BIG blessing kay Shaira Diaz na siya ang napiling ipareha kay Ruru Madrid sa gagawing action/adventure series ng GMA-7. Napaiyak pa nga sa saya ang aktres nang ibalita sa kanya na siya na ang itatambal kay Ruru sa Lolong.

Noong una, inisip pa ni Shaira na screen test pa lang ang gagawin niyang pag-arte via Zoom. Kaya laking tuwa ng Kapuso actress sa announcement na siya na ang magiging leading lady ni Ruru.
“Nahirapan po ako via Zoom na umarte pero sobrang nagpapasalamat ako sa production, at sa GMA Public Affairs for choosing me,” pahayag ni Shaira sa interview sa kanya sa 24 Oras.
First time magkakatrabaho sina Shaira at Ruru, pero sabi ng aktor, napapanood na niya an aktres sa mga ginawa nitong teleserye at hanga siya sa acting skills nito. Nagagalingan daw siya sa aktres.
-Nitz Miralles