Sa October 24, na magsisimulang mapanood sa TV5 ang show ni Korina Sanchez, na mula sa Rated K noong nasa ABS-CBN pa umeere ay makikilala na ngayon bilang Rated Korina.
Pumima ng kontrata si Korina sa Brighlight Productions, ang production company na pag-aari ni former Negros Occidental Congressman Albee Benitez.’ Ang Brighlight Productions ang producer ng show ni Korina sa TV5. Sa interview ng News5, nabanggit ni Korina na hindi naman siya mahihirapang mag-adjust sa kanyang bagong tahanan sa telebisyon.
“It hasn’t been really that long that’s why Ifeel very very blessed that Ididn’t have to wait so long for me to come out again on free TV. There are familiar faces, people I’ve worked with all these years in journalism, broadcasting. Parang tuloy lang ang ligaya,” sabi ni Korina. Every Saturday na ang Rated Korina na dati ay napapanood every Sunday. Wala pa lang in-announce kung anong oras ang airing nito.
-NITZ MIRALES