Nag-i-enjoy sa Baler, Quezon ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro at tila wala pang planong bumalik ng Manila.

glaiza

Sa pino-post nitong photos sa kanyang Instagram account, ang dami-daming nagagawa at ginagawa ang aktres lalo na ang water sports na kinaiinggitan ng kanyang followers.

Kasi naman, kahit nasa Baler, tuloy pa rin ang paglabas sa GMA-7 ni Glaiza via Zoom, kaya hindi siya nami-miss ng kanyang fans. Actually, bukod sa paglabas via Zoom sa All-Out Sundays, napapanood din si Glaiza sa morning teleserye ng Kapuso Network na Temptation of Wife at sa gabi, sa Encantadia.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

In both teleserye, galit ang Kapuso viewers sa mga karakter ni Glaiza, lalo na bilang si Heidi sa Temptation of Wife dahil sobrang sama ng karakter niya. Pero, kung marami ang nagagalit kay Glaiza bilang si Heidi, malaki ang pasasalamat niya na siya ang napili to portray the said role.

“Circa 2012; when Idecided to build and play Heidi’s character which was one of the most challenging roles I’ve done yet opened so many opportunities for me. Eternally humbled to be part of this project. Catch it Monday-Friday, before Eat Bulaga on @gmanetwork. #TemptationOfWife,” post niya.

May nasimulang i-taping na Afternoon Prime si Glaiza sa GMA-7, pero natigil dahil sa Covid-19. Wala pang balita kung kailan magre-resume ang taping nila na may mga eksenang kinunan sa Benguet at Mountain Province.

Nitz Miralles