KAMAKAILAN lang pasok sa international magazine ang dalawang cutest bagets na si Kikay Mikay dahil isa sila sa napili na bagong ambassadress ng Pulchritude Magazine.
Kasama nila dito si Klinton Start kaya naman laking pasasalamat nila kay Sir Allen Ching Castillo at Tita Ann Haye at sa mga taong laging nandiyan na suportado ang kanilang mga pangarap at bukod sa magazine, endorser din ang dalawa ng iba’t ibang mga produkto tulad ng Skin Light Soap, Erase Beauty Product, CN Halimuyak Pilipinas, Famous Belgian Waffles, Total Tank Tools, Switch Limited, H&H Make Over Salon, H&H Make Over Salon at ng Condominium na 27Anapolis sa Greenhills, at ang pinaka latest nila ngayon ay ang Pulchritude Magazine.
Napapanood din ang dalawang bagets sa Yes Yes Yow sa Channel 13 ng Smac Production, kung saan ay ipinapakita nila ang galing sa pagsayaw pati na rin sa Artista Quest na kung saan nahasa sila sa hosting, pagkanta at pagsayaw.
Upcoming din ang kanilang new second project sa International film na under direk Mike Magat at bukod diyan abangan din natin sila sa kanilang first horror Movie Project titled Nagalit ang Patay Sa Tagal Ng Lamay na balita namin first time nila mag shoot ng kakaibang eksena mahirap at nakakatakot pero kinaya at di nila inurungan in pernes ang mga eksena nila sa na dinerek ni Carlo Conge at Zaldy Munda under White Eagle Film Production at kasama nila dito si Pekto, Bembol Roco, Carlo Cepeda, Awra, PJ Abellana, Julian Parescoba, at marami pang iba,
Naka-line up din sila sa bagong indie movie na School campus Under I.P.S Production, na pinagbibidahan ni Awra Briguella ipapakita sa movie kung gaano kagaling sa pagsayaw ang dalawang bagets na kasama si Awra.
Hiling nang dalawang bagets sa kanilang mga fans ay i-follow ang kanilang mga social media accounts tulad ng F, Instagram, Twitter at You Tube.
Well, more power and success to both of you Kikay Mikay lalo na sa pag-alis sa ating mundo or all over the world ni COVID-19 sooner than soon sa pamamagitan ng mighty power of our Lord God Jesus Christ, amen!
-MERCY LEJARDE