SA grand mediacon ng Smac television production na may hastag na Smac TV Vision 2020 ay dun lang namin nalaman na anim na taon na palang umeere sa mundo ng telebisyon ang nasabing TV outfit na ang mga naunang artists na kinuha nila ay kabilang ang binansangang cutest duo na sina Kikay Mikay na naging mainstays sa programa nilang Yes Yes Yow tuwing Sabado tuwing 11:30am to 1pm sa IBC-13.

Mikay-Kikay

Sa nasabing grand mediacon ng Smac TV Production ay marami nang ipinakilalang mga bagong artists ng Smac at may mga kanya-kanyang shows na rin yung halos karamihan dahil nakipag-co-prod sa iba’t ibang TV channels.

Although ngayong year 2020 ay tipong hindi na regular hosts sa Yes Yes Yow, Kikay Mikay is still very proud and super thankful pa rin sila sa mga people behind Smac TV Productions.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

“Nagpapalasamat po kami sa mga blessings po na ibinibigay po sa amin ngayon ng Smac TV Productions dahil kasama pa po kami sa pagre-reformat ng kanilang noon time show na Yes Yes Yow na i-eere po this coming April sa IBC 13.

“Bukod po diyan abangan nyo po ako sa up coming teleserye po nila kung saan makakasama ko po si Ate Raya at Ate Ella at marami pa pong iba under Smac TV Productions po.” Lahad ni Kikay.

Sabi naman ni Mikay, ”May dalawang up coming movies din po kami ni Kikay na hindi pa po puwedeng i-reveal. But sa ngayon po focus po muna kami sa schedules po namin sa Smac TV lalo na sa noontime show na Yes, Yes Yow.

“Ipapakita po namin dito ni Kikay at ng iba pa naming mga kasamahan ang iba’t-iba naming talents tulad ng hosting, singing , dancing at kung ano pa po ang ipapagawa sa amin ng aming Director dito.”

And take note, ang pelikula nilang may pamagat na Paalala ay nakasama sa New Film Festival kumakailan lamang kaya pupuwede na rin masabing hindi lang sila pang-local showbiz kundi pang-international na rin lalo’t mga tipong dumadalagita na ang kanilang anyo at taas in pernes.

O, sige Kikay Mikay, hataw lang ng hataw sa inyong showbiz career na pinasukan hanggang sa marating nyo ang rurok ng tagumpay.

Yun na!

-Mercy Lejarde