What’s in a title? A lot. Lalo na kung madali itong tandaan tulad ng ASAP ng Kapamilya. Sa kaso ng Sunday shows ng Kapuso Network. Ilang ulit na itong nagpalit. Ang siste ay talagang hindi kami napasaya hanggang tuluyang nag-goodbye sa ere dahil tapos na diumano ang kontrata.
Now comes a new noontime show All Out Sundays, ang director ay si Miggy Tanchanco na anak ng choreographer Geleen Eugenio at siyang nagdirek ng Studio 7 na one year lang ang itinagal.
Anong klaseng pagbibihis ang makikita sa All Out Sundays? Ang sabi ni Miggy ay mas marami itong segments na pang pamilya.
“We are testing the waters and observing what segment ang papatok sa televiewers,” aniya.
Kung naniniwala kayo sa survey. Ang unang telecast ay agad nag-rate which is a good start indeed. At sana manatiling all-out ang sumusuporta at gawing a Sunday habit ang panonood.
-REMY UMEREZ