August 15, 2026

Home BALITA Metro

Estudyanteng nakipag-inuman, todas matapos mahulog sa condo!

Estudyanteng nakipag-inuman, todas matapos mahulog sa condo!
Photo courtesy: Unsplash

Nasawi ang isang 20-anyos na estudyante matapos umanong mahulog mula sa isang condominium building sa Sampaloc, Maynila nitong umaga ng Biyernes, Agosto 14, 2026.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Alexa,” 20-anyos, dalaga at tubong Atimonan, Quezon. Nakatira umano siya sa naturang condominium.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng ulat ang mga tauhan ng Gulod Police Community Precinct (PCP) bandang 7:00 ng umaga hinggil sa isang taong nahulog mula sa gusali.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga awtoridad at kinordon ang paligid matapos matagpuan ang biktima na nakahandusay.

Batay sa salaysay ng mga nakasama ng biktima, nag-inuman umano siya kasama ang kanyang mga kaibigan sa condominium unit bandang 11:00 ng gabi noong Agosto 13.

Metro

DOLE, nababahala sa ‘dagok’ na desisyon ng Pasig RTC na pigilan ₱85 wage hike

Bandang 5:00 ng madaling araw nitong Biyernes, nakita pa umano ng kanyang mga kaibigan na natutulog ang biktima sa loob ng unit.

Makalipas ang halos dalawang oras, bandang 6:56 ng umaga, nakita umano ng isang saksi na nakabitin ang biktima sa bahagi ng balkonahe.

Ilang sandali lamang ang lumipas nang tuluyan umanong mahulog ang biktima mula sa condominium at mapinsala nang malubha.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) Homicide Section upang matukoy ang buong pangyayari at kung may iba pang salik na dapat isaalang-alang sa insidente.

Inaalam din ng mga awtoridad ang mga pangyayari bago ang pagkahulog at ang mga huling oras ng biktima kasama ang kanyang mga kaibigan.