NIRE-REPOST ng Kapamilya stars ang petition sa franchise renewal ng ABS-CBN at ang una naming nakitang nag-repost ng “1M SIGNATURES FOR ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL #NoToABSCBNShutdown” ay si Lea Salonga.
Kahapon din, nabasa namin ang pagre-retweet ni Vice Ganda ng petition at tweet na “WE WILL NOT LOSE OUR FAMILY” and urging his fans to sign the petition.
Nabasa rin namin ang tweet ni Ria Atayde na “Sign and spread the word!” at ng tweet ni Robi Domingo na “This it! Family is love! Show your support and be a #KapamilyaForever.
Kabilang pa sina Anne Curtis at Karla Estrada sa nagpapaalala sa kanilang followers to sign the petition na nangangalap ng one million signatures para sa franchise
renewal ng ABS-CBN.
Sa mga susunod na mga araw, madagdagan pa ang Kapamilya stars na mag-i-encourage sa followers nila to sign the petition na tingin namin, madaling ma-a-achieve ang numbers. Sa followers pa lang nina Anne, Vice at iba pang big stars ng ABS-CBN gaya nina Piolo Pascual, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Maja Salvador, Kim Chiu, Bea Alonzo, Gerald Anderson, Angelica Panganiban, Enrique Gil, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Angel Locsin, Sharon Cuneta at marami pang iba, mabilis na makukuha ang one million signature.
-Nitz Miralles