ANG gandang tingnan ng pamilya nina Mar Roxas at Korina Sanchez kasama ang kambal nilang sina Pepe at Pilar at ang panganay ni Mar na si Paolo Roxas. Tatlong litrato ang ipinost ni Korina sa kanyang Instagram na puro kasama si Paolo.
Sa isang litrato, kasama ni Paolo si Pepe, silang dalawa lang at ang caption ni Korina: “It is big brother Paolo who flew in from California to visit and meet for the first time Little Brother Pepe and Little Sister Pilar.”
Sa second picture, karga naman ni Paolo si Pepe habang nasa tabi si Mar at nakatingin sa kanyang mga anak. Ang caption ni Korina sa picture: “Dad Mar teaches Paolo how to carry an infant child: ‘the neck, the neck... delikado pa ang leeg nila’...”
Sa thi rd and l a s t p i c t u r e , magkakasama sina Mar, Korina, Pepe at Pilar at si Paolo. “It was a special day when big P met Small P and P.”
Ang ganda ng comments ng netizens, lucky charm daw ni Mar ang tatlong mga anak sa election sa May 13. May nag-comment naman ng “so much LOVE in this family portrait” at “what a lovely family you have. You are in blissful moments @ korina because God blessed you to have them in your life.”
-Nitz Miralles