SOBRANG pinasaya ni Tatay Wellman Aton, mula sa Visayas, ang madlang pipol sa pagsali niya sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime kamakailan.
Ang nakamamangha, sa kabila ng kanyang edad ay buo pa rin ang kanyang boses.
Umpisa pa lang ay ginulat niya na ang lahat. Very powerful ang range ng kanyang boses at malinaw ang pagkakabitaw niya ng lyrics ng I Can’t Stop Loving You.
Sa tinagal-tagal ng aming panonood ay ngayon lang kami nakasaksi ng ganitong uri ng performance mula sa isang amang may walong anak. Ordinary-looking and yet very charismatic.
Sayang at wala si Dulce, dahil tiyak na pupurihin niya nang husto ang kababayan niyang si Wellman. Malaking tulong din ang naiambag ni Kim Chui who interpreted the Tagalog words sa Bisaya para madaling maintidihan ni Wellman ang sinasabi ni Vice Ganda.
Sa pagtatapos ng segment ay idineklarang winner of the day si Wellman, na tiyak na ikinatuwa ng lahat na nasiyahan sa kanyang pag-awit.
Pero sa kasawiang-palad, hindi niya naidepensa ang kanyang pagkakapanalo nang muli siyang bumalik.
-Remy Umerez