ANYTIME now ay magsisilang na si Marian Rivera sa second baby nila ng husband niyang si Dingdong Dantes, kaya magpapahinga muna siya sa mga work load niya.

Marian at Dingdong

Sa ngayon ay napapanood pa si Marian na nagho-host ng drama anthology ng mga OFWs (overseas Filipino workers), ang Tadhana every Saturday, pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA 7.

Naka-ilang seasons na ang Tadhana, dahil laging mataas ang rating nito, kaya naman kahit preggy si Marian ay patuloy pa rin siyang nagte-taping ng mga episodes nito.

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Pero ngayong malapit na siyang manganak ay kailangang palitan muna si Marian bilang host ng programa.

The other day, ay nagpahula pa si Marian kung sino raw ang papalit sa kanya. Pero maraming netizens ang humula na si Dingdong ang papalit sa kanya, dahil may naka-shade na picture ng aktor na may hawak na rose, na pictorial nito noong Valentine’s Day sa teaser.

Post ni Marian sa Instagram: “May bagong magbabahagi ng mga istorya ng ating mga dakilang OFWs. And as a way to welcome him, our team prepared a special surprise on his first day of taping for the show. Talagang nakatadhana ito para sa akin, ay este, bilang isang Tadhana host! Let’s all welcome him starting next Saturday, March 30, 3:15PM!”

Matatandaan na sa one year anniversary ng Tadhana, sa halip na mag-guest si Dingdong gaya ng request ng mga netizens, hinayaan ng aktor na gumanap sa anniversary episode si Marian at siya naman ang nagdirek sa asawa. Isa ito sa top-rating episodes ng Tadhana.

Welcome, Dingdong!

Nora V. Calderon