PARA sa Love Month ng Pebrero, naglabas ng music video ang GMA Music, ang 4 Faces of Love, na nag-premiere sa YouTube nitong Valentine’s Day.
Ini-launch kamakailan ng The Clash alumnus na si Anthony Rosaldo ang debut single niyang Larawan Mo. Streaming na sa YouTube ang music video ng nasabing awitin, na tinatampukan ni Kris Bernal.
Ini-release naman ng Kapuso singer-actress na si Kyline Alcantara nitong Valentine’s Day ang music video ng bago niyang single na Ikaw Lang at Ako, under her self-titled album.
May kani-kaniyang music video rin ng kanilang debut singles ang The Clash alumni na sina Jong Madaliday at Garrett Bolden.
Sa February 21 mapapanood ang music video ng Ano Ba? ni Jong, at tampok doon ang actress-model na si Liezel Lopez, gayundin ang mga kapwa The Clash alumni ni Jong na sina Mika Gorospe at Kyryll Ugdiman.
Ang music videos ng Larawan Mo, Ikaw Lang at Ako, at Ano Ba? ay pawang idinirek ni Miggy Tanchanco.
Samantala, ang music video ng Lilipad Na ni Garrett, na idinirehe ni Phillip Lazaro, ay katatampukan naman ng mga obra ng abstract artist na si Nadine Ibay, ang leading lady ni Garrett sa music video. Mapapanood na ito sa YouTube sa February 28.
Para pakinggan at i-stream ang recording sessions at music videos ng paboritong GMA Music artists, bisitahin ang YouTube channel ng GMA Music: https://www.youtube.com/user/GMAMusicOfficial/. Available rin ang mga awitin para ma-download at sa streaming sa Apple Music, Spotify, at iTunes.