BROKENHEARTED si Paolo Ballesteros kung kailan pa naman Valentine’s Day.
Sinagot niya ng “HOPIA na po” ang bumati sa kanya kahapon ng “Happy Valentine’s Day”. Gayunman, hindi na sinagot ni Paolo kung ano ang nangyari sa kanila ni Kenneth Gabriel Concepcion, pero obvious namang break na sila.
May mga nagpayo kay Paolo na unahin muna niyang mahalin ang sarili at mahalin kaysa sarili. May nag-comment pa na hindi bagay sa kanya ang ex-boyfriend dahil maganda siya. May isa pang nagpayo na iiyak lang niya ang sakit at mag-move on agad-agad.
Nag-post si Paolo ng letter ng kanyang sister, ang ganda ng message nito na nagsasabing may tamang tao na magmamahal sa kanya. May kasama pang snack na bigay kay Paolo, at isa sa mga alaga niyang pusa.
“I know, hindi naman na dapat ipinopost to, pero I just want everyone to know, how lucky I am to have a family like ours, and a sister like you. Na ‘di na kailangn pa ng mga salita or explanation, pero gets n’yo na,” caption ni Paolo.
“I love you too. Kahit na matutulog ako ngayong barado ang ilong sa kakahagulgol @chituitita03. Happy Valentine’s Day sa lahat.”
Sa Eat Bulaga kahapon, masigla pa rin si Paolo. Hindi halatang brokenhearted siya. Tama naman kasi ang followers niya, may darating na right guy para sa kanya.
-Nitz Miralles