Ipinasa ng House Committee on Welfare of Children ang panukala na layuning maisulong ang paglalapat ng tama at hindi marahas na parusa at pagdidisiplina sa mga bata upang hindi sila sumailalim sa pisikal na pananakit.
Inaprubahan ang “Positive and Non- Violent Discipline of Children Act” ng komite ni Zamboanga del Sur 1 District Rep. Divina Grace Yu, na ipinalit sa House Bills 516 at 6955.
Alinsunod sa panukala, maglalaan ng mga programa ang gobyerno na tutulong sa mga magulang upang maayos nilang madisiplina ang mga anak.
-Bert de Guzman