Binakbakan ng netizens ang ilang lahok sa 2026 Photography Contest ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nakapasok sa grand finals.
Sa Facebook page ng PAGCOR noong Huwebes, Agosto 27, makikita ang mga lahok sa naturang contest na nahahati sa dalawang kategorya: drone at mobile.
Matatandaang nagsimulang tumanggap ng mga lahok ang PAGCOR mula noong Pebrero 1 hanggang Hunyo 30.
Ngayong taon, nakasentro ang tema ng patimpalak sa “Kids@Play” upang ipagdiwang ang diwa ng paglalaro ng mga mamamayan at komunidad.
Tig-isang lahok ang inulan ng batikos sa dalawang kategoryang ito. Sa drone category, pinutakti ang "Where Dreams Take Flight" mula sa Daanbantayan, Cebu. Narito ang ilan sa mga komento:
"Sino nag entry at judge dito? Pag mumurahin ko HAHAHHAHA "
"the shadow is not shadowing"
"Artist reveal naman dyan HAHAHAHA"
"Kawawa naman yung nasa kaliwa. Walang inihagis ng bibe kaya nakitaas na lang ng kamay."
"Try nyo i-check sa AI Image Detector. Makikita nyo ang resulta. 97% AI Likelihood. "
"The source of light and the shadow of 4 persons doesnt match in angle"
"Ene be yennnn! Seryoso ba to?"
Samantala, narito naman ang hanash ng iba sa sa “Kadang-kadang” mula sa Tagum City, Davao del Norte na nasa kategoryang Mobile:
"Halata namang AI, mukha na agad golden hour eeh ang taas pa ng araw. "
"Lupit nung shadow sa lupa, paano nagkaiba ng direction iisa source of light? yan ang mystery sa photo mapapaisip ka talaga"
"grabe yong probability na similar yong mga positions ng mga bata, mapapaquestion ka talaga "
"Di kayo nahiya? "
"Show the series shots to prove."
"Parang kambal Ang Bata, same din Ang style ng buhok.hehe"
Nakatakdang ianunsiyo ang grand winners sa Setyembre 15, 2026.
Sinubukan ng Balita na kunin ang panig ng PAGCOR hinggil dito, ngunit wala pa silang binibigay na pahayag o reaksiyon sa kasalukuyan.