RAMDAM ni Paulo Avelino na sobrang pagod na siya sa katatrabaho. Bukod sa bagong Kapamilya serye na sisimulan niya, may ipalalabas siyang pelikula tungkol sa isa ating mga bayani, si Gregorio del Pilar. May ilang movie na nakaplano na rin for him para sa susunod na taon.

“Parang gusto ko nang mag-retire, sa totoo lang,” sinabi ni Paulo sa presscon ng Goyo: Ang Batang Heneral, nang matanong ang Kapamilya actor tungkol sa pagiging in-demand niya sa showbiz.

Sa totoo lang, sobrang pisikal ang challenge na pinagdaanan ng aktor habang ginagawa ang Goyo, kaya maghihinay-hinay muna raw siya sa mga susunod niyang projects.

“I’ve mentioned this before, pero parang it’s nice to be recognized by a lot of people. I’m very grateful for that,” sabi ni Paulo. “I am very grateful to the people who help me rise not just as an artist but also as a celebrity. I’ll always be grateful.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

“But it comes to a point when you get to realize na parang gusto ko nang magpahinga talaga. I think, hindi dahil sa akin, pero ang hirap na hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawing pelikula, kesyo ganito, kesyo ganyan.

“Parang gusto kong gumawa ng pelikula at projects at my own pace. Hindi ‘yung kailangan kong gumawa ng pelikula dahil kailangan kong gumawa ng blockbuster hit or kailangan ng ganito. Parang hindi lang para mag-grow ako as a person, but also to help the film industry or the people in the industry.”

Kaugnay nito, inihalintulad ni Paulo ang kanyang buhay sa bayaning tampok sa pelikula, si Heneral Gregorio del Pilar.

“Mailalapit ko rin sa Goyo ‘yung buhay ko, dahil sa priorities. Parang, ‘what should you prioritize in your life?’ Parang, coming from Goyo, you get to realize... I’m sure a lot of you will realize, na maiksi ang buhay.

“Why do we keep doing things... parang we can’t be distracted from what we really need to do or what we have to do, parang the bigger responsibilities in life.”

Kalaunan, nilinaw ni Paulo na hindi ibig sabihin sa naging pahayag niya ay aalis na siya sa showbiz.

Sa katunayan, bukod sa pelikula, magiging abala pa si Paulo sa nalalapit niyang teleserye sa ABS-CBN kasama si Angel Locsin, ang The General’s Daughter.

Itinuturing ni Paulo ang offer sa kanya ngayon bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo niya sa showbiz.

Gayunman, tumanggi muna siyang magbigay ng pahayag kung ano pa ang iba niyang plano bukod sa showbiz.

-ADOR V. SALUTA