GAGANAP si Ruby Rose bilang si DC hero Batwoman para sa The CW, ayon sa Variety.
Una nang inihayag na ang karakter ang CW debut sa taunang crossover event sa pagitan ng apat na network ng DC shows: The Flash, Arrow, Legends of Tomorrow, at Supergirl.
Kasalukuyan ding bumubuo ang CW ng series batay sa karakter, na ang tunay na pangalan ay Kate Kane.
Si Caroline Dries ang writer at executive producer ng naturang proyekto. Magiging executive producer naman sina Greg Berlanti at Sarah Schechter via Berlanti Productions. Magiging executive producer din si Geoff Johns, na kamakailan ay bumaba bilang ang head ng DC Entertainment, sa pamamagitan ng kanyang Mad Ghost Productions banner. Magpo-produce din ang Berlanti Productions, katuwang ang Warner Bros. Television.
Isinilang at lumaki sa Australia, sumikat si Rose sa American TV viewers nang gampanan niya ang kanyang breakout role bilang si Stella sa Orange Is the New Black. Lumabas din siya sa mga pelikulang Resident Evil: The Final Chapter, xXx: Return of Xander Cage, John Wick: Chapter 2, at Pitch Perfect 3.
Siya rin ang bida sa upcoming action-horror film na The Meg.