UNTI-UNTING gumagawa ng pangalan sa Pinoy rap music scene ang 16-year-old na si Because.

Because

BJ Castillano ang tunay na pangalan, kakaiba siya sa karamihang teenagers na mahilig sa computer games, kung hindi man mga crush at pagde-date ang pinagtutuunan ng pansin.

Kuwento ni Because, maaga siyang na-expose sa rap at nagustuhan niya ang nasabing musika, na pinasikat sa bansa nina Francis Magalona, Andrew E., Abra, at iba pa.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Ang tracks na produced niya mismo, ang Marlboro Black at OTW, ay kaagad na nag-viral sa YouTube at Spotify.

“I am a rap soul artist. Ito ang pinaghalong combination ng rap at pagkanta,” sabi ni Because. “Malaki ang influence sa akin ng mga rapper, tulad ni Smuggling at Cursed One.”

Ang newly-released single niyang Sandali Na, na released ng Viva Records, ay napabilang sa Philippine 50 Viral Charts platform kamakailan.

-REMY UMEREZ