NAGING panauhin ng King of Talk, Boy Abunda ang isa sa mga semi-finalists ng nakaraang Miss Q and A finals na si Elsa Droga sa Tonight with Boy Abunda at dito niya sinagot ang mga pambabatikos na ipinupukol sa relasyon nila ni Charles Daniel, gayundin, emosyonal din niyang ibinahagi ang relasyon niya sa kanyang yumaong lola.

Ibinahagi ng contender sa show ang huling habilin sa kanya ng lola niya bago bawian ng buhay.

Ayon kay Elsa, habilin ng lola niya: “Ingatan mo ang sarili mo. ‘Yong mga bagay na tinuro ko sa ’yo, galingan mo lang and sana bago ako mawala, maging maganda na at maayos na ang buhay mo.”

Sinagot naman daw niya ang Lola niya ng, “Nay, kahit na anong mangyari gagawin ko lahat ng paraan, maiahon ko lang ang pamilya namin.”

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Ngayong malayo na ang narating ni Elsa at nakatutulong na sa pamilya, marami namang bumabatikos sa masayang love life niya at sinasabing ginagamit lang siya ng kanyang boyfriend na si Charles.

“Nakilala ko si Charles Daniel, parehas kaming mahirap. Wala kaming pera. Kumukuha lang kami ng pera sa mga contest lang din. So siya pa ‘yong gumagawa ng paraan. Siya ‘yong nagmu-music sa akin, nag-aasikaso, nag-aalalay, siya lahat. Kaya sa lahat po ng nagsasalita ng masama kay Daniel, hindi po totoong pineperahan lang niya ako,” paliwanag ni Elsa.

Gaya ng grand winner na si Juliana Poriscova Segovia sa Miss Q and A ng It’s Showtime, may mga offer na ring natanggap si Elsa sa Kapamilya network, gaya ng pagsabak niya sa sitcom at teleserye. Abangan na lang daw kung saan at anong show ang kanyang bubulagain.

-Ador V. Saluta