“IF I work for you, I would run so far away, the CIA won’t be able to find me… I would disappear. I would cease to exist. I would never show my face in this world again.”
Ito ang pahayag ng Emirati social media celebrity na si Khalid Al Ameri matapos ang pag-viral ng video ng pagrereklamo ng Kuwaiti beauty blogger na si Sondos Al Qattan laban sa mga bagong polisiya na nagpapahintulot sa mga domestic worker sa Kuwait na magkaroon ng lingguhang day off at ang karapatan nilang itago ang kanilang passport, partikular na ang mga Pilipino.
“If I’m not mistaken, every job in the world — barring a few security jobs and military jobs — have a day off. A day of rest, a day to go out, a day to enjoy life,” sabi ni Khalid sa isang vlog na naka-post sa Facebook.
“We are not robots at the end of the day. We are all humans and expect to have time to rest and time for ourselves,” aniya.
Aniya pa, may dahilan para iwanan o lisanin ng mga kasambahay ang Kuwaiti blogger. “Believe me, there’s a reason they keep running away from you and maybe you are that reason”.
Nag-viral din si Al Ameri, na mayroong mahigit 200,000 followers sa Instagram, sa social media nitong taon nang maglabas siya ng video na pinararangalan ang mga OFW sa Middle East.
Sa pagtatapos ng kanyang vlog, ipinahayag ni Al Ameri ang kanyang appreciation para sa mga domestic workers sa kanyang bansa. “On behalf of my country, my family, I want to thank every single domestic helper in this part of the world for helping us and for being part of our families.”
Samantala, sa halip na humingi ng paumanhin si Alqattan, klinaro niya na kailanman ay hindi niya pinakitunguhan ng masama ang sinuman sa kanyang mga empleyado, sa nakaraan at sa kasalukuyan.
“I consider all employees as equal human beings.”
Sinabi rin ng beauty blogger na ang passport ng anumang expat employee “should be in the possession of the employer to protect the employer’s interest irrelevant of the employee/employer nationality.”
Nitong taon din, pansamantalang ipinagbawal ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga trabahador sa Kuwait, kasunod ng mga report ng pang-aabusong natamo ng mga OFWs.
Ipinawalang-bisa ang naturang polisiya noong Mayo matapos lagdaan ng mga opisyal ng Kuwait at ng Pilipinas ang kasunduan hinggil sa mga karapatan ng mga manggagawa.
-MARJALEEN RAMOS