PAGKATAPOS ilibre ni Beautederm CEO-President Rhea Ramos Anicoche-Tan ang staff at pamilya niya sa panonood ng pelikulang I Love You, Hater, sa musical play namang Rak of Aegis niya inilibre ang Beautederm beauties niyang sina Shyr Valdez, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, Bulacan 4th District Board Member Alex Castro with fiancée, Sunshine Garcia (Sexbomb dancer), at si Sylvia Sanchez.

Nitong Linggo, kahit bumabayo ang bagyong ‘Josie’ ay hindi napigil ang Beautederm beauties, na mistulang nag-reunion, sa pangunguna ni Ms Rhea.

Ayon kay Ms Rhea, first time niyang manood ng Rak of Aegis at talagang nag-enjoy siya dahil ang gagaling ng mga nagsiganap tulad nina Kim Molina, Myke Solomon, Lorenz Martinez, at Carla Guevarra-Laforteza.

“Oo first time ko, isinama ko talaga sila (Beautederm beauties) para may bonding kami. Tapos suporta ko na rin kay sir Rams David dahil sa mga alaga niya,” say ni Ms Rhea.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Samantala, looking forward si Ms Rhea sa National Sales Conventions na gaganapin sa Clark, Pampanga sa Nobyembre 23-25, at ang speakers niya ay ang mga idol niyang sina Boy Abunda, Chinkee Tan, at Francis Kong.

“Gusto ko kasing matuto ang sellers ko,” saad ng Beautederm President.

-Reggee Bonoan