Inaasahang bababa ng P1 hanggang P2 ang presyo ng bawat kilo ng commercial rice.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino, ito ay kapag naipadala na sa merkado ang lahat ng inangkat na NFA rice mula Thailand at Vietnam.

Gayunman, sinabi ni Aquino na nagkakaproblema pa sila dahil naiipit pa sa port ang ilang mga inangkat na bigas kaya may mga lugar pa sa bansa na walang supply ng NFA rice.

Bukod sa bigas, asahan na rin ang pagbaba ng presyo ng asukal.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

Paliwanag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Engineer Hermenegildo Serafica, ang pagtaas ng presyo ng asukal sa merkado ay pananamantala lang ng mga commercial player.

Binabalak pa rin ng NFA na mag-angkat ng dagdag na 500,000 metric tons ng bigas para matiyak ang katatagan ng supply sa bansa.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, irerekomenda nila ito sa pagpupulong ng NFA Council sa Hulyo 17.

Sakaling aprubahan, papalo na sa 1 milyong MT ang rice import ng NFA ngayong 2018.

Una nang nakakuha ng basbas ang ahensya para sa pag-angkat ng 250,000 MT na may dalawang bagsakan.

-Beth Camia