NAARESTO na ang pangalawang suspek sa pagpatay sa Florida rapper na si XXXTentacion, na binaril noong nakaraang buwan.
Hulyo 5 nang unang inaresto si Michael Boatwright, 22, para sa kaso ng droga. At nitong Martes, muli itong dinakip sa bisa ng arrest warrant para sa first-degree murder, lahad ng Broward County Sheriff’s office.
Siya ang pangalawang lalaki na nahuli kaugnay ng pamamaslang kay XXXTentacion noong Hunyo 20. Ang isa naman, si Dedrick Williams, 22, ay naikulong agad dalawang araw matapos paslangin ang rapper.
Binanggit din ng sheriff’s department na patuloy ang pagtugis nila sa isa pang suspek, si Robert Allen, na 22 taong gulang din.
Si XXXTentacion, na ang tunay na pangalan ay Jahseh Onfroy, ay binaril sa labas ng motorcycle store sa Deerfield Beach north of Miami, dahil sa robbery attempt, ayon sa mga imbestigador.
-Agence France-Presse