SUMIKAT noong dekada ‘70 ang bandang Boyfriends at Abracadabra, at muling pinasisikat ni Mr. Louie Gamboa ang isa sa mga miyembro nito na si Nitoy M..
Kinuha ni Mr. Gamboa si Nitoy bilang bagong brand ambassador ng kanyang Gamboa Green 10-in-1 Coffee.
Natanong ni Yours Truly si Mr. Gamboa kung bakit si Nitoy ang kinuha niyang brand ambassador ng kanyang kape.
“Alam mo, fan ako ng Boyfriends nung medyo bata-bata pa ako. And until now naman ay fan pa rin ako ng Boyfriends, kaya hindi ako tumatanda siguro,” sagot ni Mr. Gamboa.
“So I grew up with their music. Now, bakit si Nitoy? Kasi nga uulitin ko, fan ako ng Boyfriends. High school pa lang ako noon ay Boyfriends music avid listener na ako. So, nakalakihan ko na sila.
“Actually apat sila, eh. Kaibigan ko rin sina Gary, si Bob, saka si Joey Abando. Si Nitoy kumbaga ay hindi gaanong napapansin before. Pero hindi natin alam, siya pala ‘yung isa sa pinaka-talented sa grupo. Ang imagine, ha, for so many years, ngayon lang namin na-realized na...aba, eh, dapat pala noon pa siya binigyan ng break.
“Pero sabi ko nga, hindi pa naman huli ang lahat so, bakit hindi natin siya uli subukan. After all, puwede natin siyang isabay dun sa aking mga bagong products, lalo na sa ating Gamboa Coffee, na sabi ko nga, bagay na bagay siya dun, lalo na sa kanyang latest album titled Miss Balingkinitan.”
Ang nasabing awitin, ayon kay Mr. Gamboa, ay tungkol sa pagiging sexy and slim that fits one of the healthy benefits ng kanyang coffee.
Sinabi rin ni Mr. Gamboa na binigyan niya si Nitoy ng back-up girls named Jaguar.
May titulong Ako Na Lang ang bagong single ang nagbabalik-recording na si Nitoy
-MERCY LEJARDE