August 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

May sound? Heart, natanong kung mabaho utot niya

May sound? Heart, natanong kung mabaho utot niya
Photo courtesy: Screenshot from Your Honor (YT)

Game na sinagot ni Kapuso star at global fashion icon Heart Evangelista ang ilang mga tanong sa kaniya ng netizens, nang mag-guest siya sa podcast na "Your Honor" hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar.

Isa sa mga random questions na ibinato sa kaniya ay kung mabaho rin ba ang utot ng mga kagaya niyang sosyal since masasarap daw ang kinakain nila.

Siyempre naman, may "K" para sagutin ito ni Heart na kilang shala hindi lang sa Philippine showbiz kundi sa fashion world sa ibang bansa.

Actually, may sagot na si Heart sa nagtanong sa kaniya sa Instagram, at ang sabi niya, "May amoy strawberry... pero ako cherry lang char!"

Bagay na tinanong sa kaniya ng mga host kung totoo ba.

Tsika at Intriga

Derek sa LTO kaugnay ng sinitang supercar: 'I apologize for what is going on!'

Binanggit na lang ni Heart ang famous line ng pumanaw na si dating senador Miriam Defensor Santiago.

"I lied," natatawang sabi ni Heart.

Sinabi ni Heart na may amoy rin naman ang utot niya na puwedeng amoy-itlog dahil mahilig siyang kumain nito para sa protein, pero hindi naman daw malakas ang utot niya.

"Alangan namang sabihin ko sa kanila amoy-itlog yung utot ko dahil puro protein yung kinakain ko," natatawa na lang na sabi ni Heart.

Pero nang tanungin siya ni Chariz kung mabaho ba ang utot niya, "Hindi. Walang amoy, pero may sound."

Paliwanag pa ni Heart, hindi naman daw malakas ang utot niya, pero sapat na raw ito para magsialisan ang mga nakapaligid sa kaniya.