August 16, 2026

Home BALITA Probinsya

DENR, nakiramay sa pamilya ng ‘Forest Ranger’ na namatay habang duty

DENR, nakiramay sa pamilya ng ‘Forest Ranger’ na namatay habang duty
Photo courtesy: DENR Calabarzon (FB)

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Calabarzon sa naging biglaang pagpanaw ng isa sa kanilang Forest Rangers habang nasa kaniyang LAWIN patrol sa Batangas. 

Sa mensahe ng DENR-Calabarzon noong Sabado, Agosto 15, ibinahagi nilang pumanaw si Forest Ranger Raymond John M. Lara ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) noong Huwebes, Agosto 13. 

Saad pa nila, nagsasagawa ng kaniyang LAWIN patrol si Lara sa Brgy. Talisay, Lipa City, nang bigla siyang mawalan ng malay at bumagsak. 

Agad na isinugod ng kaniyang mga kasamahan si Lara sa Metro Lipa Hospital para sa kinakailangan niyang atensyong medikal ngunit kalauna’y pumanaw dahil sa heart failure, ayon sa attending physician na tumingin sa kaniya. 

Kinilala ng DENR-Calabarzon na si Lara ay na-appoint bilang regular nilang empleyado noong Hunyo 2026 matapos ang halos 11 taong paglilingkod bilang Contract of Service staff sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Batangas. 

Probinsya

Walang sinanto! Lalaki, ilegal na nanghihingi ng donasyon sa ngalan ng simbahan!