SINAMANTALA nina LJ Reyes at Paolo Contis na school break pa ni Aki, na nasabay sa break sa taping ng epidemic serye na The Cure ng aktres, kaya nagtungo silang tatlo sa El Nido in Palawan.
It seems na pare-pareho silang mahilig sa tubig, kaya post ng actress sa kanyang Instagram account: “Take us back to this lovely waters!!! To go back to El Nido or explore other destinations?? As long as I have these two as company! Game na! Suggestions are welcome!”
Sa picture, kitang enjoy si Aki na kasama ang kanyang Tito Paolo.
Maraming nag-respond at nagbigay ng suggestions, kaya naman malalaman nang napakaganda talaga ng Pilipinas; napakaraming magagandang lugar, pero mostly ay sa Palawan matatagpuan, tulad ng Coron, San Vicente, at Amanpulo. May nag-suggest din sa Bohol, at sa Maldives kung saan may resort daw doon with kids activity para kay Aki.
Mayroon namang nag-suggest ng Mariveles sa Bataan, kung saan naroon ang Las Casas de Acuzar na makatutulong kay Aki sa kanyang history class, dahil makikita roon ang mga bahay noong unang panahon pa, na ni-restore at dinarayo hindi lamang ng mga Pinoy kundi ng mga foreign tourists din.
Pero back to work din after two days si LJ, dahil medyo papahirap na ang mga eksena nila sa The Cure. May tanong na nga kung sinu-sino pa ang magiging infected, dahil lahat ng characters ay puwedeng makagat ng mga infected.
Last Wednesday evening, walang nagawa si Charity (Jennylyn Mercado) kundi isama sa mga infected ang inang si Lorna (Glenda Garcia) kaysa manganib pa ang buhay ng mga kasama niya sa kampo. Wala kasing kinikilala ang mga infected, kahit kamag-anak pa nila ay kakagatin pa rin nila.
May netizens ngang nagtanong kung isa raw sa makakagat ng infected ang karakter ni LJ na si Katrina. Dahil sa pagka-obsessed ni Katrina kay Greg (Tom Rodriguez), sinabi nitong patay na ang asawa ng huli na si Charity, kahit hindi naman totoo. Siya na lang daw ang mahalin ni Greg. Para sa netizens, parusa raw kay Katrina kung makagat din siya ng mga infected.
Napapanood gabi-gabi ang The Cure, pagkatapos ng 24 Oras.
-NORA V. CALDERON