Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Game 4, best-of-seven series)

(Araneta Coliseum)

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

7:00 n.g. -- Magnolia vs. San Miguel Beer

TARGET ng San Miguel Beer na makalapit sa kasaysayan, habang asam ng Magnolia Hotshots na makabangon para mapahaba ang kampanya sa krusyal na tapatan sa Game 4 ng PBA Philippine Cup best-of-seven title series ngayon sa Araneta Coliseum.

Umabante ang Beermen matapos ang dominanteng panalo sa Game 3, sapat para tuluyang maagaw ang momentum at patatagin ang kampanya na ika-4 na sunod na kampeonato sa Philippine Cup.

Nakatakda ang laro ganap na 7:00 ng gabi.

Naniniwala si reigning Coach of the Year Leo Austria na mahaba pa ang serye, ngunit mas magiging madali ang kanilang trabaho kung mapapanatili ang lakas na ipinamalas ng Beermen second unit sa Game 3.

“I think if they keep on stepping up every game, I’m confident na every game pwede kami manalo,” aniya.

Itinuturing ‘do-or-die’ ni Hotshots venetan guard Mark Barroca ang Game 4.

“Yun nga, backs against the wall talaga kami ngayon. So ang dating sa amin ng Hame 4 ay do-or-die na. Napakahirap makabawi pag nahulog kami sa 1-3,” pahayag ni Barroca. “Kailangan makabalik kami para at least humaba ang series.