Ni: Rommel P. Tabbad
Nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Huaning”.
Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 750 kilometer Hilaga- Hilagang Kanluran ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging 65 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong 80 kph. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 24 kph.
Sa kabila nito, hahatakin pa rin ng habagat ang bagyo na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.