Nagbahagi ng ilang mga karanasan ang aktres na si Gee Canlas tungkol sa buhay-mag-asawa nila ni Archie Alemania kasama na rito ang pagbali umano ng huli sa tadyang niya.
Maki-Balita: Gee Canlas, binulgar pamimisikal umano ni Archie Alemania
Kasunod ito ng pagsalang ni Archie sa naunang episode ng “Ogie Diaz Inspires” na inilabas noong Agosto 23 kung saan napag-usapan ang ilang isyung kinasangkutan niya, tulad ng nangyaring hiwalayan nila ni Gee.
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Sabado, Agosto 29, nahagip sa panayam ang tungkol sa pagpapasya ni Gee na lumipat sa bahay ng mga magulang niya. Inilagay niya sa tamang konteksto ang pahayag ni Archie na ayaw umano niyang bumukod sila.
“Again, the proper context. The time that we got married, nagsarili kami. May sarili kaming bahay. The reason why we ended up in my parents house is because he broke my ribs. Two fracture ribs,” lahad ni Gee.
Dagdag pa niya, “Aside from not being able to communicate properly, the dynamic has been if ako ‘yong pikon, mas pikon siya. If ako ‘yong galit, mas galit siya. There’s no apology happening. There’s no communication happening.”
Ayon kay Gee, nagsimula lang umano ang partikular na sitwasyong iyon bilang petty fight.
“I think I was sick and I wanted to take care of me,” sabi niya. “Kaso ang nangyari, he was just on his phone. He wasn’t doing anything. So nagtampo lang ako. Normal tampo.
“Kaso, ang away kasi namin would always result in him wanting to walk out, shutting down, dropping the conversation. That particular moment, nag-threat na naman siya na ‘ayaw ko na!’” dugtong pa ni Gee.
Matatandaang kinumpirma ni Gee noong Marso sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na hiwalay na siya kay Archie. Pero bago pa man ito ay nagpahiwatig na ang aktres na natuldukan na ang pagsasama nila ng dating mister.
Samantala, ayon naman kay Archie sa isang episode ng “Ogie Diaz Inspires,” dapat ay matagal na umanong ginawa ni Gee ang pakikipaghiwalay sa kaniya.
Maki-Balita: 'As a solo parent:' Gee Canlas, hiwalay na nga ba kay Archie Alemania?