Ni: Rommel P. Tabbad

Pinagbigyan kahapon ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating senador Jinggoy Estrada na magpaospital ng tatlong araw dahil sa pagtaas ng lebel ng carcinoem bryonic antigen nito.

Sa desisyon ng 5th Division ng anti-graft court, simula ngayong araw hanggang Sabado (Hulyo 29) ay isasailalim si Estrada sa videocolonoscopy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City alinsunod sa rekomendasyon ng kanyang doktor.

“The doctor advised me to undergo colonoscopy, up and down, gastroscopy tsaka colonoscopy... Mayroon lang mga elevated blood test na nakita, abnormalities din,” sabi ni Estrada.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Nakapiit si Estrada sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel fund scam.