Ni: Mina Navarro

Mahigit 2,700 mga dayuhan ang hindi pinayagang makapasok ng Pilipinas sa unang anim na buwan ng taon bunga ng puspusang kampanya upang palakasin ang border security at maitaboy ang mga hindi kanais-nais na dayuhan.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, sa 2,717 hinarang na dayuhan mula Enero hanggang Hunyo, 2,421 ay pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at 296 ang tinanggihan sa mga paliparan ng Cebu, Davao, Clark, Iloilo, Kalibo, Laoag, Puerto Princesa, at Zamboanga seaport sa Zamboanga City.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi