SAAN man sa bansa o mundo, mapapanood, mapapakinggan, at makakasama ang mga Pilipino sa pagtutok sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Lunes (Hulyo 24), sa mas pinalawak at pinalakas pang pagbabalita ng ABS-CBN News sa telebisyon, radyo, cable TV, digital TV, at Internet para sa “Pangakong Pagbabago:

SONA 2017” special coverage.

Bukod sa karaniwang live na pagbabalita sa radyo, TV, cable, at sa mga digital platform ng pinakamalaking news organization sa bansa, tampok ngayong taon ang ilang bagong handog ng ABS-CBN News upang mas lalo pang maabot at mabigyang boses ang mga Pilipino sa mismong araw ng paghahayag ng Pangulo ng mga tagumpay ng kanyang administrasyon at mga plano pa para sa bayan.

Ilulunsad sa ABS-CBN News Online ang SONA 2017 microsite (news.abs-cbn.com/sona2017) na maglalaman ng mga istorya tungkol sa SONA, pati sa live streaming ng ABS-CBN, ANC, at DZMM na nagbibigay kalayaan sa mga Pilipino na pumili ng coverage na nais niyang panoorin.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi

Dito rin unang masusubukan ang konseptong Digital TV na magpapalabas ng mga balitang nakalap at ipinadala ng mga mamamahayag ng ABS-CBN News gamit ang kanilang mobile phones. Sa pamamagitan ng Digital TV, mistulang naroon mismo ang manonood sa pinangyayarihan ng balita, sa gitna man ito ng rally, sa loob ng Batasang Pambansa complex, o saan mang sulok sa bansa.

Sa cable naman, bibigyan naman ng ANC ng mas malakas na boses ang bawat sektor sa lipunan sa tulong ng townhall forum na parte ng kanilang “State of the Nation: Pangakong Pagbabago” special coverage. Kasama sina Karmina Constantino at Tony Velasquez, mapapakinggan dito ang mga inaasahan ng mamamayang Pilipino sa gobyerno at ang kanilang reaksyon sa SONA ng Pangulong Duterte.

Sa radyo naman, magsisimula ng 1 PM ang pagtutok ng DZMM Radyo Patrol 630 sa SONA kasama sina Karen Davila at Johnson Manabat, at magpapatuloy kasama sina David Oro at Ricky Rosales ng 3 PM. Samantalang sina Gerry Baja at Anthony Taberna naman ay nakatoka ng 5 PM. Asahan ang agarang pagbalita ng mga Radyo Patrol reporters na nakapuwesto sa mahahalagang lugar sa bansa, at ang paghihimay sa mga isyu ng mga panayam na eksperto. Mapapanood din ang DZMM coverage sa DZMM TeleRadyo sa cable at sa ABS-CBN TVplus.

Pangungunahan naman ni Karen Davila ang coverage sa ABS-CBN ng 3:30 PM pagkatapos ng It’s Showtime. Ipapalabas dito ang mga balita mula sa loob at labas ng Batasang Pambansa, ang kabuuan ng SONA, at ang diskusyon ukol sa mga tinalakay ng Pangulo pagkatapos ng kanyang talumpati.

Makibahagi sa SONA ngayong taon sa “Pangakong Pagbabago: SONA 2017” special news coverage ng ABS-CBN News sa radyo sa DZMM Radyo Patrol 630, sa TV sa ABS-CBN ch.2 at S+A, at sa cable sa ANC, sa digital TV sa DZMM TeleRadyo, at online sa iWant TV at news.abs-cbn.com/sona2017. Para sa mga update, sundan ang @ABSCBNNews, @ANCalerts, at @DZMMTeleRadyo sa social media at gamitin ang hashtag na #SONA2017.