Nararapat na ituring na isang oportunidad ng Simbahang Katoliko ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na isa sa 10 Pilipino ang nakauunawa sa isinusulong na pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas.

Ayon kay Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, chairman ng Ecumenical Bishops Forum, isang “wake-up call” sa Simbahan ang resulta ng survey upang ganap na maipahayag sa mamamayan ang kasagraduhan ng buhay at masamang maidudulot ng parusang kamatayan sa bansa.

Sinabi ng Obispo na isang magandang oportunidad ito upang maipaliwanag nang husto sa mga Pinoy ang mga aral ng Simbahan tungkol sa buhay, kamatayan at naangkop naparusa sa mga kasalanan. (Mary Ann Santiago)

Pelikula

Julia Montes, naaksidente sa set ng 'Topakk'