August 31, 2026

Home BALITA National

Kitty, 'bittersweet' sa pagtatapos ng August; miss na Papa Rody niya

Kitty, 'bittersweet' sa pagtatapos ng August; miss na Papa Rody niya
Photo courtesy: Kitty Duterte (IG)

Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ni Veronica “Kitty” Duterte para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ilang araw bago tuluyang matapos ang Agosto.

Sa Instagram post ni Kitty, tinawag niyang “bittersweet” ang pagtatapos ng buwan, lalo na’t isa umano ang Agosto sa iilang buwan na gusto ng kaniyang ama, na kasalukuyan pa ring nasa detention facility ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.

Kalakip ng kaniyang mensahe ang isang throwback photo nila ng dating pangulo habang sinisindihan ang mga ilaw sa city hall bilang hudyat ng pagsisimula ng mga pagdiriwang noong Disyembre.

Ayon kay Kitty, medyo nahuli siya sa pagdating sa naturang okasyon dahil nanggaling pa siya sa kaniyang tutor. Gayunman, tiniyak umano ng kaniyang ama na makakasama siya sa pagpindot ng button para sindihan ang mga ilaw.

"what a bittersweet way to end august— especially since it’s one of the few months my papa actually likes," mababasa sa post ng dating presidential daughter.

National

Alang-alang sa susunod na henerasyon: VP Sara, ibinida tree planting sa Surigao del Sur

"this picture was taken as he lit up city hall, with all the beautiful views and lights, in december, to initiate the festivities. i was a little late because i came from my tutor, but he made sure i got to press the button with him."

Inilarawan din niya ang kaniyang ama bilang isang taong higit na nagbigay-liwanag sa kaniyang buhay kaysa sa anumang ilaw na kaniyang nakita.

Ibinahagi rin ni Kitty ang kaniyang pasasalamat sa pagpapalaki sa kaniya sa isang mundong puno ng musika, sining at tula.

"i love you and i miss you, sweet papa rody. no amount of lights have ever lit up my eyes like you have," aniya.

"God knows how blessed i feel to have grown up in music, art and poetry with you. sing with you again soon, papa— wait for me," pahayag pa niya.