August 31, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, Heart iniintrigang nagdedmahan sa concert ni Yeng

Vice Ganda, Heart iniintrigang nagdedmahan sa concert ni Yeng
Photo courtesy: Screenshots from N01 Entertainment/MB

Umagaw ng eksena ang intrigang tila hindi raw nagpansinan sina Unkabogable Star Vice Ganda at Kapuso star-global fashion icon Heart Evangelista, na parehong present sa idinaos na 20th anniversary concert ni Pop Rock Royalty Yeng Constantino noong Agosto 29, sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kumakalat ang isang video mula sa isang concertgoer kung saan makikitang nakipagbatian at nakipagbeso-beso pa si Meme Vice sa ilang mga kakilalang tila bahagi ng concert at kino-congratulate, habang si Heart naman, malapit lang sa kaniya subalit hindi nila nilapitan ang isa't isa. Katabi naman ni Vice Ganda ang "anak-anakan" at co-host sa noontime show na si Ryan Bang. 

Maya-maya, makikitang umaalis na si Heart sa dako kung saan naroon din ang "It's Showtime" host.

Dahil dito, agad na umusbong ang espekulasyong “dedmahan” ang naganap sa pagitan ng dalawang sikat na celebrities.

Gayunman, wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Vice at Heart na sinadya nilang hindi pansinin ang isa't isa.

Tsika at Intriga

Mga Pinoy, resilient pero hindi naman dapat naaabuso!—Susan Enriquez

Dahil dito, muling kinalkal ng mga netizen kung bakit posible raw na hindi magpansinan ang dalawa.

Kung babalikan noong Oktubre 2025, nagkuwento ang komedyante sa noontime show tungkol sa kaniyang naging pagbisita sa Sorsogon, kung saan sinabi niyang nakakita siya ng isang paaralang kulang sa reading materials at kinakailangang ayusin.

Sa kaniyang pagkukuwento, nabanggit niya ang pangalan ni Heart dahil sa pagiging taga-Sorsogon ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Naging isyu ito matapos mag-react ang longtime personal assistant ni Heart na si Resty Rosell. Iginiit ni Rosell na hindi lamang si Vice ang tumulong sa pagpapagawa ng classroom at mayroon ding ambag ang Parents-Teachers Association (PTA).

Dahil dito, naging mainit ang mga pahayag ni Rosell laban kay Vice at iginiit niyang dapat ding kilalanin ang iba pang tumulong sa proyekto.

Nilinaw naman kalaunan ng alkalde ng Bulusan, Sorsogon, na walang kinalaman si Heart sa isyung tinukoy ni Vice Ganda.

Maki-Balita: ‘Bulok ‘yong paaralan:’ Vice Ganda, nagbigay ng tulong sa probinsiya ni Heart Evangelista

Maki-Balita: Resbak ng PA ni Heart kay Vice Ganda: 'Nag-ambag ka lang, makapagyabang parang ikaw nagpatayo ng buong building!'

Bukod pa rito, lumutang din ang mga espekulasyong pinalitan umano ni Heart si Vice bilang celebrity endorser ng isang sikat na fast-food chain.

Samantala, sa isang episode ng It's Showtime noong 2026, naging usap-usapan din ang paggamit ni Vice ng katagang “clean money” habang pinag-uusapan nila ang pagkain sa isang restaurant sa Spain.

May ilang netizen na nag-ugnay nito sa hiwalay na kontrobersiya ni Heart at content creator na si Mimiyuuuh, na pinalagan din ng PA niya, bagama't walang direktang sinabi si Vice na si Heart ang kaniyang tinutukoy.

Samantala, habang isinusulat ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang dalawa tungkol sa pang-iintriga sa kanilang dalawa.