August 31, 2026

Home BALITA Eleksyon

Lacson, walang planong kumandidato bilang Pangulo

Lacson, walang planong kumandidato bilang Pangulo
Photo Courtesy: Ping Lacson (FB)

Tinuldukan na ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang espekulasyon kaugnay sa umano’y pagtakbo niya sa pagkapresidente sa 2028.

Ito ay matapos isiwalat ni Lacson na hindi umano bababa sa ₱3.713 bilyong pondo mula sa kaban ng bayan ang nasayang sa “illegal” reclamation sa Laguna Lakeshore Reclamation Areas sa Taguig City na siyang balwarte ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Sa isang X post ni Lacson nitong Lunes, Agosto 31, sinabi niyang mahirap umanong paniwalaan na “fake news” ang kaniyang mga pasabog.

“Pag ganito ka-detalyado at may pinaghugutan pang official records, mahirap sigurong paniwalaan na ‘fake news,’” saad ni Lacson. “At kung hahaluan pa ng kulay pulitika, i.e., may plano daw akong tumakbong presidente sa 2028, watch me - my public service career ends when I finish my term as senator in 2031.

Dagdag pa niya, “I might even retire earlier. Fighting corruption in this country is exhausting and frustrating.”

Eleksyon

Barzaga pa rin! Ermats ni Kiko Barzaga, waging kongresista sa Cavite

Matatandaang dalawang beses nang sinubukan ni Lacson na kumandidato sa pagkapangulo. Una, noong 2004 kung kailan niya nakalaban sina "Da King" Fernando Poe, Jr. at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, habang noong 2022 naman ang pangalawa kung kailan nakatunggali niya sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at dating Vice President Leni Robredo.

Samantala, bumwelta naman si Cayetano sa pahayag ni Lacson sa pamamagitan ng social media post nito ring Lunes, Agosto 31.

Aniya, sa halip daw na masagot ang mga partikular na alegasyon, nadadagdagan lang nang nadagdagan ng mga walang batayang pahayag ang nilalabas ni Lacson na sa dulo ay mas nakakagulo lang umano sa isyu.

“One allegation becomes another. One question produces three more accusations. Until the truth is obscured and all that is left is anger, fear, confusion, and paranoia. That does not bring us closer to the truth. It only makes the truth harder for the Filipino people to see,” dugtong pa niya.

Matatandaang nag-ugat ang tunggalian sa pagitan ng dalawa nang birahin ni Cayetano ang integridad ni Lacson bilang isang mambabatas.

Maki-Balita: Cayetano sa isinumiteng ebidensya ni Lacson sa OMB: ‘I welcome that’