August 21, 2026

Home BALITA

Cayetano sa isinumiteng ebidensya ni Lacson sa OMB: ‘I welcome that’

Cayetano sa isinumiteng ebidensya ni Lacson sa OMB: ‘I welcome that’
Photo Courtesy: Alan Peter Cayetano, Ping Lacson (FB)

Nagbigay na ng pahayag si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano tungkol sa mga inihaing ebidensya ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Office of the Ombudsman (OMB) laban sa kaniya.

Kaugnay ito sa umano’y ghost infrastructure project sa Taguig na kilalang balwarte ni Cayetano. 

Sa Facebook livestream ni Cayetano nitong Martes, Hulyo 28, sinabi niyang tinatanggap niya ang mga ibinabatong paratang ni Lacson laban sa kaniya matapos malaman ang tungkol dito.

"I was just informed na may finile si Sen. Panfilo Lacson sa Ombudsman. I welcome that because, in the same manner that I tell everyone na kailangan ng accountability, same din naman,” saad ni Cayetano.

Dagdag pa niya, “Ang sabi ko lang naman, sa tamang venue, sa tamang panahon, and 'yon nga, para makatutok; kasi malaman natin kung ano talaga ang accusation.”

National

Expanded number coding scheme, suspendido sa Agosto 21

Gayunman, pinag-ingat pa rin ni Cayetano ang publiko sa mga malisyosong paratang.

Aniya, “Alam n'yo ba 'yong malicious? Malicious is 'mali.' Meaning, 'wrong' pero 'delicious.' Ibig sabihin, masarap pakinggan. Kaya malicious.”

“Kung from his point of view, he thinks valid 'yong accusation, then I'll respect that. But from my point of view, it's malicious because hindi ko alam ano exactly at bakit gano'n ang accusation at bakit sudden,” dugtong pa ng Senate Minority Leader.

Matatandaang naghayag na umano ng interes ang utol ni Cayetano na si People’s Television Network (PTV-4) General Manager Lino Cayateno para makipagtulungan kay Lacson.

Nag-ugat ang pagsisiyasat na ito ni Lacson sa Taguig matapos birahin ng kabaro niya ang kaniyang integridad bilang isang mambabatas.

Kaugnay na Balita: Kaso ng ghost projects sa Taguig, lumalakas—Lacson