July 24, 2026

Home BALITA

Kaso ng ghost projects sa Taguig, lumalakas—Lacson

Kaso ng ghost projects sa Taguig, lumalakas—Lacson
Photo Courtesy: Ping Lacson (FB), MB File Photo

Nagbigay ng update si Sen. Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa minamatahang ghost project umano sa Taguig City na balwarte ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Sumalang si Lacson sa panayam ng “DZMM Teleradyo” nitong Biyernes, Hulyo 24, kung saan napag-usapan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte at ang ghost project umano sa Taguig.

Ayon sa pangkalahatang pagtataya ng senador ngayong tapos na ang Article IV ng impeachment complaint, mabagal umano ang naging daloy ng paglilitis sa Bise Presidente.

Ngunit tumanggi naman siyang magbigay pa ng komento sa merito ng impeachment. “Ire-reserve natin ‘yon sa takdang panahon pagka gagawa ng ruling. At ‘yan ay pagkatapos ng artikulo. Pero medyo mabagal ang pace. Dapat siguro mag-reassess kung papaano natin mapapabilis,” saad ni Lacson.

Samantala, maganda naman daw ang progreso ng imbesitgasyon ng kampo niya sa ghost project umano sa balwarte ni Cayetano.

DepEd, hiring ng 10,000 school counselors para sa mental health ng mga estudyante!

“Long story short,” anang senador, “kung isa-summarize natin, this is a work in progress at maganda ang progress as far as our own investigation is concerned.”

“Sabi ko nga, the plot thickens at ang kaso lumalakas kasi marami kaming nakakalkal at may mga nakausap kaming posibleng mga testigo. So hindi lang confined sa isang tao. Sa tingin namin maraming ibang masasangkot na individuals pa tungkol dito,” dugtong pa niya.

Matatandaang naghayag na umano ng interes ang utol ni Cayetano na si People’s Television Network (PTV-4) General Manager Lino Cayateno para makipagtulungan kay Lacson.

Nag-ugat ang pagsisiyasat na ito ni Lacson matapos nitong birahin ang integridad niya bilang isang mambabatas.

Maki-Balita: Utol ni Sen. Alan, bet makipagtulungan kay Sen. Ping tungkol sa 'ghost project' sa Taguig!