Inihayag ni Sen. Ping Lacson na nagpaabot umano ng kagustuhan ang kampo ni People’s Television Network (PTV-4) General Manager Lino Cayateno na makausap siya hinggil sa umano’y ghost project ng Taguig City.
Sa isang radio interview kay Lacson nitong Lunes, Hulyo 20, 2026, ibinahagi ni Lacson ang naturang balak umano ng nakababatang kapatid nin Sen. Alan Peter at Sen. Pia.
"Mayroon nagsabi sa akin kung pwede akong kontakin ni Lino [Cayetano]... dahil gustong tumulong sa pag-iimbestiga kasi marami raw siyang alam na ghost projects sa Taguig," ani Lacson.
Paglilinaw pa ni Lacson, wala pa raw naitatakdang petsa kung kailan sila maaaring magkaroon ng meeting ni Lino.
"Sa ngayon, 'di pa nase-set yung aming meeting. Hopefully, hindi magbago ang isip ni [Lino] Cayetano," saad pa ng senador.
Dagdag pa niya, "Clinarify ko roon sa nagparating sa akin [kung] siya ba mismo ang nagsabi na gusto niyang makipag-ugnayan sa akin. Sabi n'ya, 'Yes.' Sabi ko naman, 'I'm willing.'"
Noong Linggo, Hulyo 19 nang ibunyag ni Lacson ang umano’y ghost projects sa Taguig City na kilalang balwarte ng mga Cayetano. Nagmula ang pahayag bilang tugon ni Lacson laban kay Sen. Alan ng tirahan nito ang paglobo umano ng Statement of Assets, Liabilities, Networth (SALN) sa mga taong hindi pa muli nakakabalik ng senador si Sen. Ping.
"Unlike Sen. Cayetano with P6.79 billion in budget insertions under the 2025 GAA, I have no insertions, a.k.a. pork barrel... and no 25 percent kickback for slope protection and other infrastructure projects," ani Lacson sa isang X post.
Hirit pa niya, “And yes, re Blue Ribbon hearings, huwag siyang mainip, meron ding ghost sa Taguig.”
MAKI-BALITA: 'The Payatas, QC Jail!' Sen. Ping, ilalagay sa tamang lugar si Sen. Alan