Pinalagan ni Sen. Ping Lacson ang tirada sa kaniya ni Sen. Alan Peter Cayetano hinggil sa kaniyang Statement of Account, Liabilities and Networth (SALN).
Sa kaniyang social media account, tahasang iginiit ni Lacson na sinagad umano ni Cayetano ang kaniyang pasensya matapos nitong tirahin ang kaniyang integridad bilang isang mambabatas.
“My integrity is my first and last line of defense and I will fight to defend it with all my might. Sen Cayetano has crossed the line by attacking it. My integrity is my first and last line of defense and I will fight to defend it with all my might. Sen Cayetano has crossed the line by attacking it,” ani Lacson.
Kaugnay nito, ibinunyag ni Lacson na kumikilos na raw ang kaniyang kampo upang mapanagot si Cayetano at mailagay siya sa likod ng rehas.
“As of this morning, I’m still counting informants and witnesses, directly or through intermediaries, willing to provide information and evidence to put him in his proper place - the Payatas, QC jail,” saad pa ni Lacson.
Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng naging depensa ni Lacson sa mahigit apat na beses na paglaki ng kaniyang idineklarang net worth sa loob ng tatlong taon.
Ayon kay Lacson, tumaas ang kaniyang yaman mula ₱58.7 milyon noong 2022 hanggang ₱244.9 milyon noong 2025, na aniya'y resulta ng lehitimong bentahan ng real estate at mga pribadong negosyo matapos siyang umalis sa Senado noong 2022.
Binigyang-diin din niya na nagbayad siya ng ₱10.5 milyon at ₱2.8 milyon na buwis, batay sa kanyang isinumiteng income tax returns.
Kasabay nito, muling ibinato ni Lacson ang alegasyon laban kay Cayetano kaugnay ng umano'y P6.79 bilyong budget insertions sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA), at sinabing 68 sa 70 proyekto na may kaugnayan dito ay naipatupad na.
"Unlike Sen. Cayetano with P6.79 billion in budget insertions under the 2025 GAA, I have no insertions, a.k.a. pork barrel... and no 25 percent kickback for slope protection and other infrastructure projects," saad pa ng seandor.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Cayetano bilang tugon sa pinakahuling akusasyon ni Lacson.