Binabalak ng pamahalaan ng Manila City na kabitan ng body camera ang mga traffic enforcer upang masupil ang katiwalian sa kanilang hanay.

Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Chief Dennis Alcoreza, naniniwala ang pamahalaang lungsod ng Maynila na makakatulong ang mga body camera para mabawasan ang katiwalian sa mga enforcer tulad ng pangingikil at iba pang “under-the-table” na usapan sa panghuhuli sa mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.

Nagkakahalaga ng P8,500 hanggang P12,000 ang bawat isang body camera. (Mary Ann Santiago)

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama