Aabot na sa P256.91 milyon ang nasira sa agrikultura at imprastruktura sa ilang lugar sa Central Luzon bunsod na rin ng nakaraang habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa impormasyong natanggap ng DA, kabilang sa nasalanta ang mga palayan, maisan, high-value crops, isda at livestocks o mga inaalagaang hayop upang maibenta sa Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Zambales.

“The rice sector took the biggest hit, with losses running to P135.85 million, followed by fisheries with P100.28 million; corn, P12.15 million; high-value crops, P8.05 million; and livestock, P500,875,” ayon sa DA.

Ayon sa ahensya, naitala ang pinaka-malaking pinsala nito sa Pampanga, pangalawa ang Tarlac, sinundan ng Bulacan, Zambales at Aurora. (Rommel Tabbad)

Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony