Kuwelang sinagot ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ang urirat sa kaniya ni Asia’s King of Talk Boy Abunda kaugnay sa sakaling pagkakaroon ng kapangyarihang maging invisible.
Sa kamakailang inilabas na episode ng “The Boy Abunda Talk Channel” sa YouTube channel ni Tito Boy, nagawang tanungin ng huli si Castro kaugnay sa pagkakaroon ng superpower na pagiging invisible o hindi nakikita ng ibang indibidwal sa loob ng isang araw.
Urirat ni Tito Boy, kahit isang araw lang daw, sino ang mamanmanan o palihim na susundan ni Castro.
“Kung magkakaroon ka ng superpower na magiging invisible for one day, sino ang mamanmanan mo? Isang araw lang?” ani Tito Boy.
Patutsada ni Castro, walang iba raw kundi si Vice President Sara Duterte.
“Si VP Sara,” sagot niya.
“Bakit?” follow-up ni Tito Boy.
Paliwanag ni Castro, para daw maintindihan niya ang hugot o mga paraan ni VP Sara para makakuha at magpakalat daw ng “fake news.”
“Para malaman ko kung saan niya hinuhugot ‘yong mga fake news niya,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si VP Sara kaugnay sa naging patutsada ni Castro tungkol sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Kahit next in line: VP Sara, 'di gustong agawin posisyon ni PBBM
KAUGNAY NA BALITA: 'As a lawyer!' VP Sara, pabor hanapin hustisya para kina Rene at Adili