July 15, 2026

Home BALITA Politics

'We don't dignify the testimonies!' Rep. Sandro, kumuda sa mga pahayag ng 18 ex-bodyguards

'We don't dignify the testimonies!' Rep. Sandro, kumuda sa mga pahayag ng 18 ex-bodyguards
Photo courtesy: MB File photo

Tahasang tinawag ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos na peke ang 18 ex-bodyguards na nauna nang nagpakilala bilang mga dating miyembro ng Philippine Marines.

Sa panayam ng media kay Marcos nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2026, pinuna ni Marcos ang biglang pagdawit sa pangalan ni Sen. Chiz Escudero bilang isa sa mga senador na binigyan umano ng maletang puno ng pera ng 18 ex-bodyguards.

“We don't dignify the testimonies of this fake Marines, actually bodyguard na lang ang itawag natin sa kanila,” ani Marcos.

Dagdag pa niya, “Nakita mo na kahapon, biglang sumali si Senator Escudero sa majority, biglang siya may maleta.”

Saad pa ng presidential son, hindi na rin daw siya magugulat kung pati ang kontrobersyal na pangalan at katauhang “Mary Grace Piattos” ay magkakaroon na rin umano ng alegasyon hinggil sa maleta.

Politics

Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya—VP Sara

“Pati si Mary Grace Piattos sa susunod na hearing baka 'yon may maleta din. Let's call a spade a spade. It's all BS,” aniya pa.

Nang tanungin naman ng media kung balak magsampa ng kaso ng mga Marcos laban sa 18 ex-bodyguards na nag-uugnay sa kanila bilang mga nabigyan din umano ng male-maletang pera mula sa kickback ng flood control projects, sagot ng mambabatas, “Where here to finish a lot of work. It's a lot important than those who are planning the distab efforts against the government. Ituloy na lang natin 'yong trabaho.”

Matatandaang noong Martes, Hunyo 16 nang muling nagsagawa ng press conference ang 18 ex-bodyguards o mas binabansagan na ngayong “maleta boys,” kasama si dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor.

Sa naturang press conference, ilang indibidwal pa ang pinangalanan nilang nakatanggap umano ng maleta kabilang Sen. Chiz Escudero, Sen. Kiko Pangilinan, Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, Ramon Tulfo at batikang mamamahayag na si Arnold Clavio.