July 15, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Paano maiiwasan ang feeling na ‘tuyot’ na?

ALAMIN: Paano maiiwasan ang feeling na ‘tuyot’ na?

Inanunsiyo na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 47 lugar sa Pilipinas na makakaranas ng dry condition pagpatak ng Nobyembre 2026. 

Ibig sabihin daw nito, 21% hanggang 60% ang nababawas sa dami ng ulan na dapat ay nararanasan ng isang lugar sa loob ng dalawang magkasunod na buwan. 

Kabilang sa mga makararanas ng dry condition ang Metro Manila, Abra, Albay, Apayao, Aurora, Bataan, Batangas, at 40 iba pa.

Ngunit sa kabila ng seryosong usapin tungkol dito, hindi naiwasan ng ilang netizens na haluan ng kapilyuhang komento ang tungkol sa paparating na dry condition.

Anila, matagal na raw silang dry kahit hindi pa sumasapit ang Nobyembre. Sabi naman ng iba, hindi naman daw kasama ang lugar nila sa matatamaan ng nasabing kondisyon, ngunit bakit natutuyot na sila?

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, hayop na pinakamalapit na kaanak ng tao?

Sa sexual context kasi, madalas na iniuugnay ang pagiging dry o tuyot sa kawalan ng bodily fluid sa ari ng babae gaya ng vaginal lubrication na maaaring humantong sa discomfort.

Kadalasang sanhi nito ay maiuugat sa iba’t ibang hormonal, physical, at lifestyle factors.

Ngunit may mga paraan naman upang malunasan ito. Puwedeng ikonsidera ang pagbili ng mga over-the-counter moisturizer at lubricant. 

Kung gagamit ng vaginal moisturizers, ilagay ito sa loob ng keps kada araw para mapanatili ang malusog ang vaginal lining.

Samantala, ang vaginal lubricants naman ay ginagamit bago ang pakikipagtalik. Batay sa rekomendasyon ng mga healthcare provider, gumamit lamang ng mga water-based vaginal lubricant o kaya naman ay silicone-based products. 

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga produktong hindi dapat ilagay sa keps tulad ng petroleom jelly o face at body lotion.

Pero kung ang pagiging tuyot ng keps ay may kasamang menopause symptoms, mas mabuti raw na sumailalim na sa medical treatment.