July 23, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Legasiya ni San Antonio de Padua, ang patron ng mahihirap at nawawalang bagay

#BALITAnaw: Legasiya ni San Antonio de Padua, ang patron ng mahihirap at nawawalang bagay
Photo courtesy: Pexels

Tinatawag din bilang “Anthony of Lisbon,” si San Antonio ang itinuturing na patron ng mga nawawalang bagay at ninakaw na mga artikulo, mga manlalakbay, manlalayag, at pobre. 

Sa mga imahe, makikita si San Antonio na kadalasang may hawak na batang Hesus, lily flower, o isang libro, sa kaniyang bisig. 

Ayon sa mga pag-aaral, si San Antonio, na ipinanganak sa pangalang Fernando, ay ipinanganak sa Lisbon, Portugal noong 1195.

Isa sa mga maituturing na mahalagang pangyayari sa buhay ni San Antonio ay ang kaniyang conversion sa Franciscan Order mula sa Augustinian Order, dahil sinasabing naging inspirasyon niya ang buhay at ehemplo ni San Francisco ng Assisi. 

Inialay ni San Antonio ang kaniyang buhay sa pagpapahayag ng ebanghelyo at pananampalataya, at pangangalaga sa mga mahihirap. 

BALITAnaw

#BALITAnaw: Ang unang pagtapak ng tao sa buwan, ‘One giant leap for mankind’

Ilan pa sa mga mirakulong naganap sa ministeryo ni San Antonio ay ang pagdagsa ng mga isda sa dalampasigan habang siya ay nagtuturo; ang pagbabalik ng paa ng isang lalaki sa kaniyang binti; at ang pagsasalita ng isang sanggol upang ituro ang kaniyang ama. 

Ang pinakakilalang kuwento tungkol kay San Antonio na naging dahilan upang makilala siya sa pagiging patron ng mga nawawalang bagay ay noong naibalik ang kaniyang aklat ng salmo na kinuha ng isang batang Pransiskanong kumuha ng kaniyang aklat ng mga salmo, bago umalis sa kanilang komunidad. 

Dahil naman sa kaniyang mga naging paglalakbay at engkwentro sa aksidente sa kasagsagan ng ministeryo, kinilala siyang patron ng mga manlalakbay at manlalayag. 

Bilang guro at mangangaral ng Bibliya, si San Antonio ay kilala rin sa kaniyang abilidad na magpaliwanag ng mga komplikadong teolohiya sa simple at madaling intindihin na paraan para sa kaniyang mga tagapakinig. 

Naging dedikado rin ang santo sa banal na eukaristiya at si Maria, na ina ni Hesus. 

Kaya kinilala rin si San Antonio sa mga titulong, “Hammer of Heretics,” “Wonder-Worker,” at “Living Ark of the Covenant.” 

Isang taon mula sa pagkamatay niya noong Hunyo 13, 1231, na-canonize sa pagka-santo si San Antonio noong Mayo 30, 1232. 

KAUGNAY NA BALITA: SAN ANTONIO DE PADUA,PATRON NG MGA MILAGRO AT DALUBHASA SA KASULATAN