July 15, 2026

Home FEATURES Human-Interest

‘Ligo-ligo rin!’ Nakatutulong ba talaga ang pagligo sa pagtanggal ng body odor?

‘Ligo-ligo rin!’ Nakatutulong ba talaga ang pagligo sa pagtanggal ng body odor?
Photo courtesy: Pexels

Sa bansa kung saan ang panahon ay kadalasang maalinsangan, hindi maiiwasan makaramdam ng paglalapot at pagpapawis kahit katatapos pa lang maligo. 

Kung minsan, makikita pa sa maraming pampublikong sasakyan na halos lahat ng pasahero ay may hawak na portable fan o kaya’y todo paypay upang fresh pa rin pagpasok sa eskwela o opisina. 

Ayon sa Medical News Today, ang mismong pawis ay walang amoy, ngunit dahil sa bacteria na sumasama rito, nagkakaroon ng hindi kaaya-ayang amoy. 

Saad pa sa pag-aaral, ang body odor ay kadalasang nangyayari sa iba’t ibang parte ng katawan tulad ng: 

- Mga paa

Human-Interest

'CPR Playlist,’ ibinaba ng PRC upang makatulong sa pansagip-buhay!

- Singit 

- Kilikili

- Ari at pubic hair

- Pusod

- Puwet

- Likod ng mga tenga

Ayon naman sa Cleveland Clinic, ilan sa mga aspetong nakaaapekto sa amoy ng pawis ay ang mga sumusunod: 

- Pag-eehersisyo

- Stress at anxiety o pagkabalisa

- Maalinsangang panahon

- Pagiging overweight o obese

- Genetics o namamana

Narito naman ang ilang paraan upang maiwasan at masolusyonan ang body odor: 

1. Regular na pagligo
Sa dagdag na pag-aaral ng Cleveland Clinic, nakatutulong ang pagligo kahit na isang beses sa isang araw upang maiwasan at mabigyang solusyon ang body odor. 

Dito ay nakatuutlong ang paggamit ng antibacterial soap at maagap na pagbabanlaw at pagsasabon sa mga parteng madalas pagpawisan upang matanggal ang bacteria sa balat. 

Saad pa rito, sa regular na pagligo, nalilimitahan din ang iba pang pag-usbong ng ilang kondisyon sa katawan tulad ng tigyawat, balakubak, at eczema flare-ups. 

2. Regular na paglalaba at pagsusuot ng malinis na damit

Ito ay upang maiwasan na dumikit sa balat ang pawis na nakakapit na sa ginamit na damit. 

Ipinapayo rin dito ang pagsusuot ng loose-fitting clothing na gawa sa cotton upang makahinga ang balat. 

3. Pagbabantay sa pagkain

Dahil inilalabas ng katawan ang pawis, nakaaapekto ang ilang pagkain sa amoy ng pawis. 

Ilan sa mga pagkaing nagdudulot ng body odor ay ang bawang, sibuyas, at alcohol. 

4. Paggamit ng antiperspirants at deodorants

Ayon naman sa Mayo Clinic, ang antiperspirants ay mayroon metal salt katulad ng aluminum na nakatutulong upang harangan ang sweat pores, na nagdudulot upang bawasan ang pawis na umaabot sa balat.

Ang deodorant naman ay nakakabawas ng amoy ng pawis, at minsan, may partikular na scents na ginagamit dito upang matakpan ang amoy ng pawis.