June 18, 2026

Home FEATURES Trending

DOST scholar, naka-score ng 800 over 800 sa NMAT!

DOST scholar, naka-score ng 800 over 800 sa NMAT!
Photo courtesy: Negros Oriental State University (FB)

Linda Walker who? 

Tumataginting na 800 over 800 ang nakuhang score ng isang Department of Science and Technology - Science Education Institute (DOST-SEI) scholar sa kaniyang kauna-unahang pagsalang sa National Medical Admission Test (NMAT) noong Biyernes, Hunyo 12. 

Sa pagbating mensahe ng Negros Oriental State University (NORSU) sa first-time taker at kanilang magna cum laude alumna na si Queenie Roda Futalan, bukod sa pagiging scholar, siya rin ay isang consistent scholar at active student na parte ng iba’t ibang academic at extracurricular activities. 

Ibinahagi pa sa nasabing mensahe na layon ni Futalan makakuha muli ng scholarship mula sa pamahalaan upang makapagpatuloy sa medical school. 

Dahil sa kaniyang perfect score, nakaranggo si Futalan sa 99+ Percentile Rank sa lahat ng NMAT examinees. 

Trending

#BalitaExclusives: Yateng may kargang relief goods, nasunog sa dagat!

Sa kabilang banda, nakisaya at bumati rin ang netizens kay Futalan, karamihan pa sa mga ito, kantsyaw ay natalo na raw niya ang kilalang genius na si Linda Walker mula sa nag-viral na Chinese micro-drama series na “The Heiress Who Won With Brains.” 

“LINDA WALKER? QUEENIE RODA FUTALAN? ” 

“Na break ang record ni linda walker”

“Ouhhh pakkk Linda walker where??HAHAHHAH”

“no more linda walker dito tayo kay Queenie HAHAHAHA”

“package: beauty and brain”