Ipinaliwanag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Fredderick A. Vida sa publiko na wala raw siyang nakikitang rason para patawan ng suspensyon si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag.
Pagkatapos ito ng ipinataw na anim na buwang preventive suspensyon ng Office of the Ombudsman kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca nitong Biyernes, Mayo 15, 2026, dahil sa naganap na insidente ng pagpapaputok ng baril sa Senado mula sa mga miyembro ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado at NBI.
Idagdag pa ang naging pag-eskapo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa ilalim ng protective custody ng OSAA at para na rin maimbestigahan nang mas maayos ng Ombudsman ang naging kaguluhan.
Dahil dito, nagawang umapela ni Senate President Alan Peter Cayetano sa Ombudsman na dapat daw na patawan din ng preventive suspension si Matibag kung nagawa ng nasabing ahensya na suspendihin si Aplasca.
KAUGNAY NA BALITA: Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, suspendido ng 6 na buwan—Ombudsman
Ayon naman sa naging pahayag ni Vida sa isinagawa nilang press conference nito ring Biyernes, sinabi niyang wala raw sa kapangyarihan niya na suspendihin si NBI director na si Matibag.
“I don’t see any reason [for] issuing any preventive suspension,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “First, it’s not for the secretary of justice. It’s within my authority to do that over Director Melvin Matibag.”
Ani Matibag, wala rin naman daw siyang nakikitang anomang rason upang dapat na mapatawan ng anim na buwan din na suspensyon si Matibag.
“Second, I don’t see any reason why Director Matibag will be preventively suspended, given the current circumstances,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Senate sergeant-at-arms Mao Aplasca, tinangging 'staged' putukan sa Senado!